Biyernes, Oktubre 26, 2012

Walang Maikuwento - Arvin Villanueva

Noong high school, tinanong ako ng aking guro sa Filipino kung ano ang pangarap kong maging balang araw. Wala pa sa isip ko noon ang mag Polsci o mag Law kaya wala akong naisagot.

“Alam mo, magaling kang magsulat.”

Malaki ang impact sa akin ng limang salitang iyon. Sa isip ko, magaling ba talaga akong magsulat o sadyang nagbibiro lang yung guro ko noon? Lahat naman siguro ng tao may angking galing sa pagsusulat, kailangan lang nating tumpakin kung papaano natin maikukuwento iyon at kung papaano natin magagawa iyon bilang isang inspirasyon sa iba. Sabi na rin Mr. Eros Atalia sa isang talk na napuntahan ko, lahat tayo may kanya-kanyang kwento. Hindi lang natin alam kung papaano natin ito maikukuwento. Feel the power of the force (tunog Darth Vader with the noise of his breathing).

Sabado, Oktubre 13, 2012

No more inkblots

“Ba’t di ka na nagsusulat?” tanong sa akin ng dati kong kaklase sa isang event. Napaisip ako doon sa tanong, sa totoo lang. Hindi naman sa talagang literal na hindi na ako nagsusulat di sana pala bagsak na ako sa college. Hindi nagsusulat sa paraang hindi na ako gumagawa ng mga akda na pwedeng i-publish o di kaya’y ipanlaban sa mga literary contests. Yung mga dati kong ginagawa na ngayon parang ayoko na. “Wala na akong oras. Ang hirap.” Simpleng sagot na mismong sa sarili ko alam kung hindi makatwiran dahil sa totoo lang may oras ang lahat, hindi lang natin ito napagtutuunan ng pansin kasi posible naman talagang magsulat e. Siguro wala lang talaga akong maisip na bagong pakulo. Siguro tinatamad lang ako dahil sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi kanais-nais. Siguro dahil bihira ko na lang makita yung mga taong talagang nagbibigay inspirasyon sa akin upang makita ang mundong gusto kong isulat sa aking mga akda. Mga taong may buhay, may sariling pilosopiya at masarap makakwentuhan. May pagkakataon na ganyan. Minsan, sa sobrang tuwa mo sa nabasa mo, gusto mong makakita ng taong hawig ng bida o di kaya yung sidekick niya. O kung medyo weirdo ka, gayahin mo yung asta noong kontrabida (Let’s put a smile on that face!) Di ko na maalala kung may nagtanong nito o ako lang ang nagtatanong nito pero bakit raw Paroxysm of Abstracted Thoughts ang title ng blogsite ko, hindi naman kasi talaga pwedeng gamitin ang abstract thoughts sa pagsusulat dahil sa totoo, isa itong mortal sin. Baka patayin daw ako ng mga mambabasa kung sakali. Sa pagsusulat kailangan daw may coherence at unity. Hmmm. Abstracted Thoughts dahil hindi buo. Parte lang ng isang malaking bagay na mahirap maisulat sa papel kasi malawak ang kayang isipin ng tao, hindi lang ito nakukulong sa tinta ng bolpen at papel. Kaya lang, may pagkakataon na gusto nating iparating sa mga tao ang mga kaisipin na pwedeng magsilbing tulong sa mga hindi mo naman ganoon kakilala. Microcosm. Hindi ako naniniwalang ang lahat ng bagay ay naisulat na. Hindi totoo yun. Hangga’t kayang mag-isip ng mga tao, makakagawa ito ng mga kabaliwan na maaring maging realidad sa hinaharap. Diyan nagsisimula ang lahat. Lalawakan mo ang imahinsayon mo kahit na iisipin ng iba na takas ka sa mental hospital. Divergent thinking kasi iba-iba tayo. Huwag mong sanaying lagi kang makiuso sa ibang tao dahil kinukulong mo ang sarili mo sa napakaliit na bartolina. You don’t have to follow the mainstream, go to the point that the mainstream will follow you.