Sabado, Setyembre 22, 2012

“Does the past exist concretely, in space? Is there somewhere or other a place, a world of solid objects, where the past is still happening?” –O’Brien (1984)
Magaling si Orwell. Maaring ang isasagot mo sa tanong na iyan ay nakasulat ang nakaraan sa ating kasaysayan at ito ang susi o ebidensya na nangyari nga ang isang kaganapan. Isipin mo na lamang na burahin natin ang kasaysayan natin o di kaya may magmanipula sa ating persepsyon sa realidad at kasaysayan. Ang saklap! Kaya kayo, huwag ninyong i-take for granted ang history. Kung magkataong mangyari ang hula ni Orwell sa kanyang 1984, mas gugustuhin ko ng mauna at huwag ng matuklasan ang mala-hayop na mundo na kontrolado ng sakim na partido. Mahirap magsulat ng pangyayaring matagal ng lipas. Si John Ruskin na rin ang nagsabi na: “The only history worth reading is that written at the time of which it treats, the history of what was done and seen, and heard out of the mouths of the men who did and saw.” May pagkakataon na karamihan sa mga nangyari noon ay maaring limot mo na o maaring naiba na ang interpretasyon mo sa mga pangyayaring naganap. At baka magkaroon pa ng krisis sa pagsulat ng kasaysayan dahil hindi mo nabigyan ng hustisya ang paglalahad nito. Kalalabasan: mali ang magiging interpretasyon ng susunod na henerasyon sa mga nangyari noong panahong hindi nila natunghayan. Sabi na rin ni Albert Ellis, “The way we feel depends on the way we interpret events rather than on the events themselves.” Parang naisip ko ulit yung pananaw ko tungkol sa katotohanan. Para kasi sa akin, maraming uri ng katotohanan at iyon ay nangyari marahil dahil na rin sa iba-iba ang interpretasyon ng mga tao sa iisang bagay lamang. Mga bagay na nakikita nila at nararamdaman, naririnig at napapansin. Minsan nasabi ko sa sarili ko na the reality about truth is that there is no truth at all. Ang hirap kasi bigyang ng perpektong kahulugan ang katotohanan. Ang katotohanan na alam mo ngayon ay maaring isa pa lang kasinungalingan na hindi mo lang natanto at ang kasinungalingan na alam mo ngayon ay maari pa lang maging isang katotohanan na hindi mo lang din napansin. Kumbaga sa madaling salita, walang borderline kasi mayroon nga silang tinatawag na half-truths at half-lies. The truth will set you free base na rin sa Ebanghelyo ni Juan 8: 31-32. Kung gagamitan ng lohika ang sinabi ni Jesus rito, ibang katotohanan ang sinasabi niya hindi iyong katotohanan na sinasabi ko kanina.Yung kanina, katotohanan iyon na sa sangkatauhan lamang masasabing applicable kasi hindi perpekto ang tao. Pabago-bago ng isip. Rational. Makikilala ninyo ang katotohanan. Personipikasyon. Hindi nakikilala ang katotohanan, nalalaman ito ng tao. Natutuklasan sa paglipas ng panahon at natutunan sa sariling experiensya. Sa bersong ito, sinasabi na si Jesus ang katotohanan na siyang magpapalaya. Katotohanan na ano? Katotohanan na siya ang magliligtas sa ating mga kasalanan. Maski kasaysayan natin, pinatunayan na ito. Di ba nga ang kasaysayan natin ay nahulma sa punto-de-vista ng nanalong panig? Buti ngayon marami sa atin inaalam ang mga nangyayari sa kabuuhang konteksto at hindi lamang sa iisang parte. The whole is greater than the sum of its parts. Matagal mo ng alam pero yung tipo bang kapag binasa gamit ang naiibang interpretasyon ay parang may nalaman ka na ring bago…at hindi ito masama! Hindi nito kinakalaban o kinukwestiyon ang validity ng katotohanan na alam mo na dati at ng iba. Wala namang binago’t wala rin namang sinabing mali. Sa totoo nga lang, mas pinagtibay pa ang mga claim ng nakararami at nabigyan ng hustisya ang kasaysayan dahil hindi ito biased at walang kinikilingang panig. Para sa akin, yun ang katotohanan. Iisa lang ang nangyari, iba-iba nga lang tayo ng interpretasyon. (*Gonna revise or add something more if the time permits.)

Linggo, Setyembre 9, 2012

Ako na Manunulat ni: Arvin Villanueva

Seryoso? Ako, manunulat? Sabagay…hindi naman masama ang mangarap e. Pero nangarap ba talaga ako? Hindi rin siguro. Sa totoo lang, mahirap ang mangarap. Sa kaso ko, marami akong pangarap sa buhay, di ko lang alam kung paano ko maisasakatuparan dahil kailangan ko munang tapusin ang kurso ko. Gusto kong maging manunulat, artist, guro at maging abogado. Pero walang hiya, hahatiin ko katawan ko? Paano yun?

Tabula rasa mode.

Marami akong gustong ikuwento. Fiction o non-fiction papatulan ko. Simula pa noong bata ako, pinipilit ko ng gumawa ng nobela pero ayun, frustrated novelist hanggang ngayon. Ang hirap gumawa ng nobela sa parte ko. Alam ko naman yung kwento ko at may outline naman ako kung paano ko patatakbuhin ang kwento kaya lang, ang hirap pagsabayin ng pag-aaral at pagsusulat, lalo na ngayong kolehiyo. Minsan inisip ko na baliw na yata ako. Gusto kong sumulat pero Political Science ang aking kurso. Ang layo. Sabi nila dapat nag Creative Writing na lang ako. Pero dahil sa yabang na rin siguro ng ego ko, hindi ko na sila pinakinggan dahil sabi ko sarili ko kaya ko naman magsulat ng libro kahit na hindi ko kunin ang Creative Writing.

Hindi ako magaling na manunulat. Sumali na rin ako sa iba’t ibang contests pero rejected ako lagi. Pag may sasalihan naman ako minsan bigla na lang akong tatamarin dahil sa sobrang raming schoolworks at kung ano ano pa. Lahat ng akda ko, puro dead manuscripts. Simula doon sa The Prediction before the Fiftieth Year (na ngayon ay hindi ko na mahanap. Hooray!), Ang Vigilante (masyadong korny), at ang Dr. EM (maganda sana ito e). Walang kwenta, di na ako umasenso.

Pero pagdating sa blog, medyo masipag ako. Di ko alam kung bakit. Siguro outlet ang blogsote ko ng mga pagaagam-agam ko sa buhay. Mas okay siguro kung magfocus na lang ako sa blogging…sa ngayon. Sana naman bigyan ako ng pagkakataon na tapusin ang mga nobela ko kahit yung Dr. EM lang. Tsk.

Kung sa maikling kwento naman, siguro ang pinakagusto ko sa lahat ng nagawa ko ay yung “Dula-Dulaan sa loob ng Lumang Teatro” na nailimbag sa school publication naming noong high school. Simple lang siya pero may twist ng unti sa ending. Parang Ang Huling El Bimbo yung dating kaso pag-arte at hindi pagsayaw. May nagtanong sa akin (ewan ko lang kung imahinasyon lang ito, nakalimutan ko na kasi kung sino nagtanong) kung sino raw ang inspirasyon ko doon, hindi ako sumagot. Hindi sa dahil wala akong inspirasyon noon ngunit dahil takot akong sabihin kung sino ba talaga yung nirereplica noong babaeng iyon. Syempre buhay pa siya, malayo nga lang sa ngayon at madalas ko na lang siyang makita.

Sino siya? Huwag na nating pag-usapan. Matagal ko na ring nalimutan. S

Sabi nila, wala daw akong kwenta magsulat. Hindi naman ako nagalit. Sabi ko naman, mas mabuti na iyon kaysa naman sa magsulat ako ng may kwenta pero pag binasa ko ay parang hindi naman ako ang nagsulat. Mas mabuti ng malaman ko na pangit ako kaysa sa malaman ko pa ito sa ibang tao at kukutyain ako ng walang katapusan habang ako ay nabubuhay.

At dito nagtatapos ang walang kakwenta –kwentang blog entry ko. Sa susunod ulit.