Lunes, Mayo 7, 2012

HELLO?

“The only tired I was, was tired of giving in.” –Rosa Parks


Ang hirap magsulat kung wala ka naman talaga na maisusulat na mahalaga o interesante sa mata ng mga mambabasa. Minsan, sumagi rin sa isip ko na ano nga bang saysay ng aking pagsusulat? Parang naging escapism sa akin ang mundo nito sa mga nakalipas na buwan na nagbibigay sa akin ng “ecstatic feeling” upang makalimutan ang mga bagay bagay na gumugulo sa aking buhay. Kumbaga, ito yung Fire Exit na binubuksan ko kapag nag-aalab na sa init ang buong lugar at tinutupok na nito ang lahat ng bagay na meron sa loob. No choice. Sa ayaw ko’t sa hindi, ang option ko ay gamitin yun or else patay ako. At mas trip ko magsulat kapag ako ay galit at asiwang-asiwa na sa mundo.

Habang palawak ng palawak ang mundong kinalulugaran ko sa ngayon na lalong nagpaparamdam sa akin na para akong alien ay pawalay naman ako ng pawalay sa mga mahalagang tao sa akin at ang hindi ko halos matanggap sa aking pagkatanto ay wala na talaga akong malapitan sa mga taong itinuring kong kaibigan noong mga nakalipas na panahon. Parang dati, okay naiintindihan ka pa nila kasi kaklase mo sila at parang iisa lang ang mundo at doon lang umiikot ang lahat. Habang ngayon, sa sobrang layo ng gap nagkakaroon na ng void. Parang minsan ayoko na lang magsalita kahit na sa totoo ay sobrang rami kong gustong sabihin. Kasi alam kong wala naman silang magiging feedback doon dahil preoccupied sila sa mga bagay bagay na malayo naman sa sitwasyon ko at ng sa iba.

Mahirap maging idealista, makata o dalubhasa dahil wala talagang gustong umintindi sayo. Naranasan ko na ito ng maraming beses parang pakiramdam ko talagang alien at out of this world ako. Hindi naman ako geek, hindi rin genius. Siguro medyo above average lang pero ang masama doon ay nakulong ako sa maling impresyon ng mga tao’t hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na ipakita sa kanila kung sino ba talaga ako. Isang proweba ay ang description sa akin sa yearbook noong high school.

(To be continued…)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento