Sabado, Agosto 25, 2012

At ngayon lang ulit ako magsusulat

Ang hirap ng ganitong sitwasyon, yung tipong hindi mo nagagawa yung mga bagay na gusto mo gawin dahil may mas importante ka pang dapat na gawin kaysa yung bagay na gusto mo talaga. Ang hirap baliktaran ng katotohanan, tila daig pa yung assignment nung prof namin sa Ecology na wala naman yatang ginagawa kundi mag “emote” lang. Bakit kaya yung mga tao pang sobrang galing at kahanga-hanga ang siya pang mapagkumbaba? Yung iba parang low-profile naman pero ang asta parang diyos na dapat halikan ang paa habang dumadaan. Nakakabanas na nakakabobo. Sa lahat kasi ng bagay ay ang pagiging mapagpakumbaba ang isa sa mga pinakamahirap na magagawa ng tao. Hindi pwedeng sabihin sa iba na ikaw ay mapagkumababa dahil hindi na pagpapakumbaba ang gayon. Ipinapakita ito at hindi sinasabi. Hayaan mo ng ibang tao na ang makapansin sa iyo na hindi ka mayabang di katulad ng karamihan diyan.

Humility is like a body odor. You have it yet you don’ t know it.

Simple thoughts na medyo bumabagabag sa akin ngayon. Naglipana na kasi ang mga mayayabang na tao sa paligid ko. Buti na lang may mga totoo pang tao na natitira at maasahan.

Makatulog na nga lang.

Down with Big Brother.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento