Seryoso? Ako, manunulat? Sabagay…hindi naman masama ang mangarap e. Pero nangarap ba talaga ako? Hindi rin siguro. Sa totoo lang, mahirap ang mangarap. Sa kaso ko, marami akong pangarap sa buhay, di ko lang alam kung paano ko maisasakatuparan dahil kailangan ko munang tapusin ang kurso ko. Gusto kong maging manunulat, artist, guro at maging abogado. Pero walang hiya, hahatiin ko katawan ko? Paano yun?
Tabula rasa mode.
Marami akong gustong ikuwento. Fiction o non-fiction papatulan ko. Simula pa noong bata ako, pinipilit ko ng gumawa ng nobela pero ayun, frustrated novelist hanggang ngayon. Ang hirap gumawa ng nobela sa parte ko. Alam ko naman yung kwento ko at may outline naman ako kung paano ko patatakbuhin ang kwento kaya lang, ang hirap pagsabayin ng pag-aaral at pagsusulat, lalo na ngayong kolehiyo. Minsan inisip ko na baliw na yata ako. Gusto kong sumulat pero Political Science ang aking kurso. Ang layo. Sabi nila dapat nag Creative Writing na lang ako. Pero dahil sa yabang na rin siguro ng ego ko, hindi ko na sila pinakinggan dahil sabi ko sarili ko kaya ko naman magsulat ng libro kahit na hindi ko kunin ang Creative Writing.
Hindi ako magaling na manunulat. Sumali na rin ako sa iba’t ibang contests pero rejected ako lagi. Pag may sasalihan naman ako minsan bigla na lang akong tatamarin dahil sa sobrang raming schoolworks at kung ano ano pa. Lahat ng akda ko, puro dead manuscripts. Simula doon sa The Prediction before the Fiftieth Year (na ngayon ay hindi ko na mahanap. Hooray!), Ang Vigilante (masyadong korny), at ang Dr. EM (maganda sana ito e). Walang kwenta, di na ako umasenso.
Pero pagdating sa blog, medyo masipag ako. Di ko alam kung bakit. Siguro outlet ang blogsote ko ng mga pagaagam-agam ko sa buhay. Mas okay siguro kung magfocus na lang ako sa blogging…sa ngayon. Sana naman bigyan ako ng pagkakataon na tapusin ang mga nobela ko kahit yung Dr. EM lang. Tsk.
Kung sa maikling kwento naman, siguro ang pinakagusto ko sa lahat ng nagawa ko ay yung “Dula-Dulaan sa loob ng Lumang Teatro” na nailimbag sa school publication naming noong high school. Simple lang siya pero may twist ng unti sa ending. Parang Ang Huling El Bimbo yung dating kaso pag-arte at hindi pagsayaw. May nagtanong sa akin (ewan ko lang kung imahinasyon lang ito, nakalimutan ko na kasi kung sino nagtanong) kung sino raw ang inspirasyon ko doon, hindi ako sumagot. Hindi sa dahil wala akong inspirasyon noon ngunit dahil takot akong sabihin kung sino ba talaga yung nirereplica noong babaeng iyon. Syempre buhay pa siya, malayo nga lang sa ngayon at madalas ko na lang siyang makita.
Sino siya? Huwag na nating pag-usapan. Matagal ko na ring nalimutan. S
Sabi nila, wala daw akong kwenta magsulat. Hindi naman ako nagalit. Sabi ko naman, mas mabuti na iyon kaysa naman sa magsulat ako ng may kwenta pero pag binasa ko ay parang hindi naman ako ang nagsulat. Mas mabuti ng malaman ko na pangit ako kaysa sa malaman ko pa ito sa ibang tao at kukutyain ako ng walang katapusan habang ako ay nabubuhay.
At dito nagtatapos ang walang kakwenta –kwentang blog entry ko. Sa susunod ulit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento