Sabado, Hunyo 1, 2013

ANG PHL “STANDARD TIME”



Isang batas na nag-set sa isang standard na oras sa mga ahensya ng gobyerno at pati na rin sa mga media (TV o radio) na nagaanunsyo ng oras sa madlangbayan. At para na rin siguro sa ikabubuti ng sambayanan kaya naisipang ipasa itong batas na ito para mawala na ang tinatawag na “Filipino time”.

Pero ikinalulungkot kong sabihin, Filipino time will always be Filipino time.Kultura na sa atin yan, mapa-eskwela o di kaya ay sa trabaho ganyan ang karamihan sa atin: laging late. Truth hurts.

Sa mundo kung saan professionalism ang pinapairal at nasa modernong sibilisasyon na tayo, isang mortal sin ang malate. I do not condemn here but I also do not take anything else for granted kahit na itong simpleng bagay lamang na ito. Biktima ako lagi ng pagiging on-time. Hindi na mabilang. Mapasimpleng kitaan lang sa mall o di kaya ay formal event, di mawawala at meron talagang malalate. Buti pa si Gandalf. Buti pa si Gandalf. Buti pa si Gandalf…

Ayos lang naman ang 5-10 minutes na pagiging late, malay natin nadapa siya, nag-cr muna at nagpaganda o di kaya ay nagpark pa ng kanyang Mercedes Benz sa basement. Ayos lang din naman kung reasonable ang rason mo kaya na-hassle ka sa pagpunta (i.e. nasiraan ng sapatos, binato ng kamatis o natapunan ng kape gaya ng isang komersyal ng isang candy.)

Pero kung dumating ka ng kalagitnaan na ng event (tipong isang oras mahigit na ang nakalipas), malamang sa malamang hindi mo maidadahilan na late ang relos mo o di kaya’y mabagal ang pag-ikot . Hindi ang relos o kaya ang orasan mo ang may problema. Ikaw. Kaya sa pag-set ng PHL standard time, maliit ang assurance na maitatama nito ang nakakamatay na kulturang meron ang bawat Pilipino: ang pagiging late.

DISCLAIMER: Baka mamaya sabihin ninyo ang yabang ko naman. Aaminin ko, na-late an rin naman ako kaso bihira lang mangyari at kung mangyari man, may justification iyon at reasonable. Uulitin ko, okay lang malate, huwag lang sumobra. Hindi cocaine o heroine ang pagiging late, kinaadikan niyo na kasi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento