Sabado, Hunyo 1, 2013

Understanding is the Hardest Thing to Understand

Hindi ako psychologist at kailanman ay hindi ako naging magaling na counselor sa mga taong humihingi ng advise sa akin. Mahirap kasi kahit na alam mo yung buong salaysay na ikukuwento niya sa iyo, di mo pa rin talaga mailulugar ang sarili mo sa kalagayan niya. Hindi mo malalaman kung yung advise na ibibigay mo ay makakatulong o mas lalo lamang makakasama sa kanya kaya bihira lang talaga akong mag-advise sa mga taong nangangailangan. Yung tipong mga dalawa hanggang apat na sentences lang, tapos ang usapan. At titingin na lang siya sa iyo na para bang gumawa ka ng isang malaking kalokohan.

“Yun lang talaga? Ang haba ng kwento ko ah!”

Kaya minsan nakakabilib ang mga psychologist; kahit papaaano nakakagawa sila ng mga paliwanag na katanggap-tanggap sa isang taong nag-crack na o di kaya ay problemado sa pagkasira ng iPhone niya, pagkamatay ng pusa niya at ang malaking pimple sa ilong niya.

That’s why understanding is the hardest thing to understand because you do not even know what to understand about it. Simply put, nakakabobo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento