Lunes, Pebrero 20, 2012

Pamatay-Araw

“To love is to receive a glimpse of heaven” -Karen Sunde
2/14/2012
2=B; 1=A; 4=D
2; 1+4
2;5
2=B;5=E
=BE
Be what?
Lonely? Happy? Romantic? Stupid? Ignorant? Cynic? WHAT?


Yung quote sa itaas, masyadong hindi makatotohanan. Tse!

Aminado akong hindi ko gusto ang February 14 kahit na dindidikta ng mundo sa akin na dapat maging masaya ako o di kaya ay may perang pambili ng panregalo para sa minamahal sa buhay at mamigay ng rosas sa kanila. Umagang-umaga pa lamang pagpasok ko sa eskwela ay kasabay ko ang grupo ng mga kalalakihan na bitbit ang mga rosas na kanilang ihahandog sa babaeng iniibig nila. Lahat halos ay nagbabatian ng Valentine’s Day habang ako naman ay ito, busy at problemado sa mga bagay na kailangan pang tapusin. For them this is a very special day but for me it is not a big deal as if it is just an ordinary day. I am not being cynic here. Haha.

Sa Valentine’s Day lang ba dapat magbigay ng ganyan sa minamahal sa buhay? Maraming nag-effort pa at nagmukhang tanga para lamang ipakita ang kanilang nais ipahatid na mensahe. Uso ang red habang sa hindi sinasadya ay black ang suot ko na may mukha pa ng nakakunot noong kontra-bida sa Harry Potter. Lilinawin ko: hindi ako bitter sa Valentine’s Day. Hindi ako nag-aalburuto diyan na wala akong girlfriend o kaya ay kadate dahil hindi ako nagmamadali at hindi ako hapit sa babae. Hindi pa tamang panahon para sa akin to enter into a relationship. I am still being preoccupied by the angst of immaturity in short.

Pero at the end of the day, ano ba ang natanto ko sa araw na kung tawagin ay Araw ng mga Puso?

1.) Malaki ang posibilidad na maging palapak ang plano mo kung gusto mong umamin sa babaeng matagal mo ng pinagpapantasyahan. Ang buhay nga naman. Tsk.

2.) Mauuwi lang ang pera mong matagal na pinag-ipunan sa wala, WALA at WALA. At mas masakit kong the day after ng date niyo ng babae ay hindi na kayo magpansinan. Ilusyon lang ang lahat ng nangyari.


3.) Mas mainan matulog at manood ng balita at maentertain sa bakbakan sa impeachment court kaysa sa mabroken-hearted dahil nalaman mong may kadate siyang iba.

4.) Mas enjoy ng mga single ang Valentine’s Day na kung tawagin nila ay INDEPENDENCE DAY. Mabuhay. HOOOOOO!!!

-AkosiArvinJayVillanueva. DUGONGPOLSCI.PUPian.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento